Thursday, 20 November 2008

Thank You sa Cake =)

Kahapon, nag team meeting/huddle kami. Unang huddle namin ito na si TL Chito lang ang kasama namin (wala na si Claire, huhuhu!). Anyhow, masaya naman ang huddle kasi light lang ang usapan. Ambilis nga ng huddle namin eh. Nag-discuss lang si Hanz tungkol sa stats and usual updates sa team. Tapos, yung huling page ng Powerpoint nya, binati nya ako ng "Happy Birthday!" Ü hehe. Natuwa naman ako kasi birthday ko kasi next week. Hindi ko na naman na naisip na may gagawin pa silang pakulo para sakin, yung akala kong greeting lang sa powerpoint na ginawa ni Hanz, yun pala may cake pa! Ü Sabi ni Patty (yung isa kong ka office-mate na malusog, yung maliit na cake lang ang kaya nilang ibigay dahil wala na silang money, deh shempre, kahit parang 'nagtampo' ang loob ko kasi maliit na cake lang. Hehe. Masaya pa din ako kasi matagal ko ng wini-wish na magkakain ako ng cake galing sa Tsokonut Batirol.

Tapos shempre debut huddle ni Chito samen, kaya yon, nagpakain pa sha (tamang-tama naman sa birthday ko!). Nag-share-share sa pambili ng Amber's pancit malabon at pichi-pichi yung mga ka-team-mates ko at si Chito, tapos yun, na-ignorante pa si Chito sa pichi-pichi. Para daw yung kunchinta, sumang-ayon naman ako.

Masarap naman ang merienda namin. Para ngang hindi sila kumain ng tanghalian eh. Haha. Naubos ang isang buong bilao.

Pics below:

Ang bagong TLC

(dito kumpleto kami - L-R: Patsy, Gel, DJ, MaDg, LJ Ü, Irene, Nicki, Chito; sa likod: Hanz)

ewan ko kung bakit ganyan ang ngiti ko. ahaha.

Sira ang digi-cam ko, huhu! Kaya wala mashadong piktyur. Anyhow, t'was a good day for me. Loved it Ü

2 comments:

Brix said...

hi mahal! ikaw ang pinaka cute sa picture :)

gillboard said...

advance hapi bday