Sa nakaraang 2 buwan, unti-unti kong nararamdaman na humihina ang lakas ng pera ko upang bumili ng mga pangunahing bilihin. (note: pangunahing bilihin pa lang ito ha - i.e. bigas, kuryente, pamasahe, at pagkain)
Kung tutuusin, hindi siguro lahat ng tao (lalo na siguro ang mga tao na single sa status) ay nararamdaman ang gantong uri ng pagkakulang. Kahapon, nung ako ay naghihilamos sa loob ng ladies' room. Eto ang naisip ko:
Kung umangat ng at least 10% ang bawat bilihin, pamasahe, pagkain, at kung anu-ano pa, ibig sabihin nun ay ganto...
Yung 100% na purchasing power ng isang tao ngayon ay less than 90% na lang. Ibig sabihin yung dating perang maaari pang gamitin para sa ibang bagay, idinagdag na lang para sa pambayad ng mga bilihin na ngayon ay nagmahal na.
Halimbawa, si Pedro ay kumikita ng Php10,000 kada buwan, at nakakabili sha ng 10 bagay gamit ang pera nya. Ngayon Php10,000 kada buwan ang sweldo nya pero 8 bagay na lang ang nabibili nya dahil yung natitirang pambili ng 2 bagay ay ginamit para pandagdag ng pambili nya nung 8 bagay (mas lalo bang gumulo? basahin mo kasi ulet... Analyze! :P)
++++++++++
Kaninang papunta akong opisina, kung hindi ako magta-taksi ay male-late ako. Kaya wala akong ibang nagawa kundi sumakay kay Manong Taxidriver. Shempre, sabi ko (dahil nagtitipid) eh metrohan na lang nya yung taksi. Ayaw ko din naman kasi ng kinokontrata (alam nyo yung ganung sitwasyong bago kayo pasakayin ng drayber eh kelangan ayunan mo muna yung kondisyon nya, kainis di ba?). Eh, pumayag naman si Manong, katapos, nung nasa loob na ako ng taksi hindi naman ako nakatiis na hindi sha daldalin kahit papano (ginawa ko na din to kasi sasabihin ko din sa kanya pumalaon na dalhin nya ko mula Edsa papuntang RCBC in 5 mins - yesss, batmobile daw yung nasakyan ko). Eto namang si Manong, siguro dahil mejo matagal-tagal na din shang nababato kahihintay ng pasahero, eh kinausap na din ako (note: hindi lang pala nya ako kinausap, dinaldal pala nya ako).
Sabi nya ay ganto:
- Na yung paunang metro nila na Php30.00 (at ang sumunod na patak ay Php2.50) ay 2003 pa daw napatupad. Eh simula din nung 2003, pataas ng pataas na ang presyo ng bilihin. Ibig sabihin yung kita nila hindi tumataas pero yung bilihin, tumataas ng tumataas.
- Nagpa-convert daw sila ng LPG nung 2005. Nung 2005, (sa ngayon habang sinusulat ko to, parang di ko na yata maalala yung mga tamang numbers, shiyet, hindi talaga ako magaling sa mga numero) - so nung 2005 nga (yata), yung LPG per litro daw ay nasa Php19.00 pa lang. Ngayon daw ay nasa Php32.00/litro. Sa loob ng 2 taon, dumoble yung presyo! Huwaw!!! (tsk tsk tsk)
At eto ang isa sa mga di ko malilimutang sinabi nya:
- Parang gusto daw muna nyang magpahinga bilang isang taxi driver. Sabi nya maghahanap na lang muna sha ng ibang mapagtatrabahuhan (dito ako natawa kasi biglang pumasok sa isip ko: "Manong, marunong ka bang mag-English? Bakit di mo subukan sa call center? SAbi nila malaki daw ang sahod dun.". Shempre naisip ko naman na ano ba ko? Anong alam ni Manong sa pag-i-English? Kung kami nga sa bahay di nag-i-english eh.)
So yun lang naman. Ngayon talaga masasabi ko na hindi lang talaga ako lang ang may "challenge" mag-budget ng pera sa panahon ngayon. Maalala ko pa na yung sweldo ko ngayon nakakabuhay na lang ng 3 tao, eh sweldo ng nanay ko (siguro mga 15 taon na ang nakakalipas) pero 5 kaming malakas kumain ang saganang kumakain. Marami pa akong analisis kung panong ang sweldo ko na noon ay kaya akong buhayin ng marangya, ngayon para na yata akong isang-kahig, isang-tuka - pero sakin at sa malikot ko na lang na isip siguro ang mga yaon.
Si Pacquaio at ang kanyang mga alipores lang yata ang hindi nakakaramdam ng kakapusan ngayon eh.
Ikaw? Pano ka nakaka-relate sa sinasabi ko?
Hayyy... "Manny, marry me." LOL
6 comments:
Naiintindihan ko. Kahit san ngayon sa mundo, nararamdaman ang pagbaba ng kalidad ng pamumuhay dahil sa mahinang dolyares. Ewan lang natin kung saan papunta ang sitwasyong ito.
ako ay naapektuhan dito... di nako nakakabili ng komiks... at hindi na rin ako makabili ng pabango... ang saklap!!!
hay naku kapatid. yun lang... haynaku... hehe. pero di ko matiis na di mag komento sa artikulong ito. saklap nga ika nga ni kapatid na gillboard.
pero tingnan din po natin sa maliwanag na, err...ano nga ang brighter side? hehe. medyo maswerte pa rin tayo kapatid sa kalagayang ito kung i-kompara sa mga nangangailangan nating mga kababayan na tinamaan ng malagim (lol) na si Frank. sana nga ay magpaulan na itong si Pacquiao ng pera. hehehe.
@ samar bloggirl = ay naku, neng, sumasang-ayon ako sayo. sa totoo lang, sabi ko nga kay Brix nung isang araw, maswerte pa din ako at pinanganak ako at lumaki kung san ako ngayon. may nabasa nga ako dati na meron daw ngayong mga tao na kumakain ng putik para lang mabuhay (naku, nakalimutan ko na nga kung sang parte ng mundo yun). nagpapasalamat ako na hanggang ngayon ay nakakakain pa din ako ng masarap. (Masama pa naman sakin ang magutom, nagdidilim ang paningin ko - hehe).
@ inaj = totoo yan, di lang sa Pilipinas nagkakaron ng gantong "kasaklapan" (ika nga ni gillboard). pati nga ngayon ang mga Australiano uma-aray na sa taas ng gasolina.
@ gillboard = hahahah. mga pangunahing pangangailangan ng isang bachelor, ha? :D
Naku neng hindi lang sa mga alipores ni pacquiao wala ang salitang kahirapan... pati kay Madam gloria wala din yun...
Naku kahit sino nararamdaman ang paghina ng ating buying power... magtrabaho ay di biro... maghapon nakaupo... di naman tumataas ang sweldong walang kwenta...
ay Dweller, sa totoo lang :) at tataas na naman daw ang pasahe ngayon. Pero ang sweldo namin? Sabi ay next year pa tataas.
Ano na lang ang gagawin namin dahil sa taas ng pamasahe? Matulog kami sa sari-sarili naming work stations???
... nga naman...
Post a Comment