Wednesday, July 16, 2008

Sayaw Hataw Sayaw

Kung makikita nyo yung "Edit Posts" ko dito sa blogspot ko, 10 dito ang naumpisahan kong isulat ngunit hindi pa natapos. Sa ngayon, nagkaron ako ng pribilehiyong mag-post sa blog kong muli (haaay, pagkatapos ng mabigat na linggong ito). Ngunit san ba patungo ang mga salitang ito?
Sa totoo lang, di maipaliwanag na lungkot ang nadarama ko dahil sa pagtaas ng mga bilihin. Ewan ko, parang gusto ko lang sabihin...

Anyway, eto nga pala ang nangyari sakin nitong nakaraang linggo:

++++++++++

Nagsimula akong mag-benta ng Triumph sa mga ka-opisina ko kasi pagtingin nila sa presyo, 50% off. Yung kadalasang Php700, Php350 na lang sakin. Eh shempre dahil may quarterly bonus na din kami sa darating na sweldo, bibili naman yung mga ka-opisina ko. Ika nga nila, sayang din yun, Triumph din yun. Saka buti na din at ngayon silang July bumili, tataas na ang presyo sa August. (naks, nag-plug. ahahaha)

+++++++++++

Nung isang linggo, hindi ko alam kung anong klaseng espiritu ang sumanib sakin at napa-oo akong sumali sa dancing program ng centre namin. At alam nyo kung anong, tugtog? High School Musical. Naknampating. Pero alam nyo kung ano ang nakakatuwa? May malambot na bahagi pala ng katawan ko at marunong pala akong sumayaw at magmemorya ng dance steps. Kunsabagay, nakakalibang din naman magsayaw. Nakakamiss nga lang umuwi ng bahay ng maaga at makalaro si Yoshua.

++++++++++++

Speaking of makauwi ng maaga, nung Sabado hindi ako nakauwi ng maaga. Dahil alam nyo ba? Yung babaeng dati kong kasamang mag wall climbing dun sa SouthWall, ay nakasama kong maggala sa loob ng Glorietta at Greenbelt. Sa totoo lang, yung meeting namin nung Sabado ay naiiba sa iba naming meeting nung nakaraan. Dati kasi, mga 45mins-1hour sawa na kaming magkwentuhan, wala kaming mapagkwentuhan. Usually, para lang maibsan yung boredom namin at mejo magkasama pa kami ng mas matagal ng konti, Powerbooks na lang kami tapos basa basa lang ng libro. Kaya nga nung Sabado, kala ko mabo-bored ako or naisip ko baka wala na naman kaming mapag-kwentuhan, kaya dinala ko yung libro kong pagkabigat-bigat. Kaya lang, ika ko nga, nung Sabado iba sa dating mga araw na napagsamahan namin. Kasi, grabe, from 5:00-9:00pm --- Non-Stop --- ang usapan namin. Totoo! Ewan ko ha, breakthrough sa friendship namin yun dahil hindi naman kami nakapagkwentuhan ng ganun ka-spontaneous sa tanan ng frienship namin. We ended the night by dining at Spaghetti Factory in Glorietta. Hayyy, sarap talaga ng food dun :D (meron pang in between yan, wala na nga lang akong ulet time magsulat...hehe).

Anyhow, within the week baka madagdagan ko pa to. Sa ngayon kelangan ko munang lumisan at sasayaw pa kami (aring-gunding-gunding-gunding~~~)

3 comments:

Miss Elle said...

you really are entertaining. anyhoo, hope you can post a video of that dance. looking forward to seeing you making that body giling-giling. LOL.

Paper Tilapia said...

Ahahaha! Tama ka Elle :D Dapat nga meron man lang video. Naku. Ipagmamalaki pa kaya ako ng anak ko pagkatapos nyang makita ang video paglaki nya?

lol.

Lailanie Grace said...

and yes! breakthrough nga siguro sa friendship naten yun! hahahaha but i didn't know na nabobore ka kasama ko! pero ok lang love pa ren kita! kase love mo rin naman ako kahit ganito ko! mwah!