Wednesday, December 31, 2008

Happy New Year!! Ü

Happy New Year, Everyone!! Ü

If you're going to look at my blog you'll see that I have updated it with some of my goals for 2009, the things that I am thankful for, and the places I'd like to visit as well. Feel free to browse through them as you may get some ideas where to go or what to do in case you'd suddenly feel more adventurous. Ü

You see, I guess for years now, I've been a believer of "The Secret" itself. Years back when was still pregnant with Yosh, I've constantly been praying to God that he will be cute, bouncing, smart, happy, healthy, passionate, great, inspiring, and loving kid (among many other great things too!) to me and the people that's surrounds him. Little did I know that time that I've constantly been asking for the Universe to conspire for my son's being --- that he'll be amazingly, wonderfully made --- just very like how "The Secret" works... That whatever I ask it does happen, that Universe will grant it. On the right side portion of my blog, you'll see there of the places I'd like to visit, the miracles that are happening and have happened in my life, and the goals that I have for and will reach by 2009. They look stunningly unbelievable for some and utterly usual for others. For me, they are the things that I have yet to have, goals I have yet to accomplish. I guess, for years that I've been believing for "small" things, 2009 should be the year that I should believe for the bigger things to . We all should, shouldn't we? Despite some people call there would be recession, thing here is, if we believe it, then it would happen. So, why not we believe that Universe will ever and always be abundant with love, wealth, joy, and laughter and it does do everything to conspire on hearts wishes may it be something good or not-so-good.

In no particular order, just by order of reckoning though, these are just some of the über-many miracles that had happened and is happening in my life:
- Yosh
- Graduating High-School (I was hard-headed then, I was not going to school, I thought I won't graduate Ü)
- College's scholarship
- Hirayamanawari (being on TV ~ Channel 2!)
- Dec 2004/2003 gift from Christmas Party at VCF - Bible (naks! haha)
- Brix
- Working for this multinational oil company
- B-day gift - Mug (from Scoozi - 25/11/08)
- Small wallet (from the Nine West bag I got from Claire)
- Xmas gift - Coin purse from Bing (Thanks, Bing!)
- Xmas gift - "Cars" watch for Yosh from Deej (Thanks, Deej!)

xxx and sooo much more! xxx (well, I'm trying to reckon other stuffs but... I could remember them when I'm already out of the office. Haha._)

These are just some of the nicest things that happened to me. Hope that as 2009 kicks in, you'll be able to find the best of the things that come your way. Remember studies show that the brain, our thoughts, find for "proof" of the things you think most of. So, if you think of health, wealth, and happiness everyday - your brain will find all the supporting "proofs" of those things in all things. They will be magnified and expounded.

In a nutshell, I'm wishing you all a very happy and wonderful and safe new year!! Let me start going home now to see my family. Hi, Yosh! I'll see you soon! Ü *muwah!*


Cheers to you all!!

Monday, December 29, 2008

Heinaku, magparamdam ka muna. (What Are Friends Are For??? - pun intended)

Yes, yes, yes... I know, I know... Baket mali ang grammar ko? Eh baket ba?! Naiintindihan nyo naman di ba???

Teka, may kwekwento ako senyo. Nung isang linggo, bago magpasko. May isa akong kakilala na matagal ko ng hindi nakikita at iyon... Bigla na lang nagparamdam sa text. Eto ang sabi:

Her: Mamay?

Aba. Iisa lang naman ang taong tumatawag sakin ng "Mamay" at sha iyon. Shempre, bilang ako na mabait at hindi kasungitan, eto ang sinagot ko:

Me: Aba. Nagparamdam ka?ü musta?

Sa pagkakagulat-gulat ko, nalaman-laman ko na lang na...:

Her: Eto malapit ng manganak... Sa 24 na siguro.ü sina Yosh, at ang mga kapatid mo? Kamusta?Ü

Nakng! Ayun na pala at manganganak na sha ni hindi man lang sinabi sakin nung una na buntis na pala sha! Sa tono o estilo ng kanyang pagte-text para bagang may hinahanap sha ng tulong sakin. Pero dahil sa may pride ako at kahit papano ay masakit para sakin na iwan nya ako sa ere. Para bang ni hindi man lang nagsabing mawawala sha o ano, hindi ako nag-alok ng tulong. Nagtanong lang ako kung lalaki o babae yung anak nya, ayun naman lalaki daw pero sa government hospital manganganak. Nagtanong ako tungkol sa Philhealth nya at sa dati nyang employer pero yun... Wala shang sagot. Ang sakin wala din naman akong pinansiyal na iaabot sa kanya (naunahan na sha ng lolo, lola, yung isa ko pang lola, anak, kaibigan, nobyo at mga kapatid ko). Naghihintay ako nun na sabihin nya sakin na kelangan nya ng tulong, pero wala naman shang sinabi so... Wala din akong inalok. Ngayon lang ako di nag-alok ng tulong. Para kasing sa kaibuturan ng puso ko, isa na lang syang estranghero. Sana man lang naisip nyang kaibigan din ako, di lang kung may kelangan sha ngunit pati na din kung may nangyayaring mabuti o di maganda sa kanya.

Kaya nga minsan, naiisip kong mas mabuting magkaron ng kaibigang lalaki. Kasi sila hindi malabong kausap, hindi malabong kasama, at madaling pakisamahan. Yung lalaking-lalaki ha, hindi yung maarte. Ikumpara ko sha dun sa isa kong kaibigang tawagin na lang natin sa pangalang Mik. Kami, kung di man kami nag-usap ng matagal na panahon, nung bumalik ako parang wala lang. Mabuti pa din sha sakin. At ako kung magpaparamdam ako sa mga kaibigan kong hindi dahil sa may kelangan lang ako, at gayon din sila (hindi ko nilalahat ah, meron din akong mga kakilala jan kapag pera ang usapan at kelangan nila hindi nawawala sa listahan nila ang pangalan ko - hahaha). Noon, hindi ako madamot. Pero ngayon, napatunayan ko na mas mabuti minsan na mag-Chinese-kuripot ako, di ba sa sobrang kuripot nila yumayaman sila? Masubukan ngang gawin yun. Haha. Ngayon, balik tayo kay Mik. Si Mik nung bumalik ako ay nagregalo pa samin ni Yosh. Sakin green na Puma na bag, kay Yosh - robot. Robot lang. Shempre, sa edad ni Yosh wala pang mag-mamagandang bumili ng PSP dun noh, pero sa edad ni Yosh na to, ay naku, atat na atat na shang magka-PSP kahit sa gantong edad nya. Tapos yung tuwa na naramdaman ko dahil naalala nya ako? Ay! Hindi mapantayan (mejo lang shempre iba pa din ang pa-The Spa ni Beau ~ haha)! Anyhoo, yun nga... Ewan ko ba, hindi ko alam kung conditional ba ang pagkakaibigan dahil sa hormonal change ng isang babae dahil may estrogen sila (haha joke lang), o dahil talagang iba lang ang pagpapalaki sa mga lalaki, o baka dahil may scrotum lang ang mga lalaki kaya sila ganon (haha ~ isa pang joke to ~ hahaha).

Isa lang ang masasabi ko, mas matagal ko pang naging kalilala at kaibigan si Her, pero di hamak na mas ok ang samahan namin ni Mik.

Hayyy...
Mga tunay na kaibigan nga naman, ang hirap hanapin.
Pagiging isang tunay na kaibigan nga naman, mahirap maging.


Tignan nyo na lang si Beau, 26 years bago ako nahanap. Har har.

;-P


(at shempre Beau, 23 years bago kita natagpuan. Naks! wuv u)

Tuesday, December 23, 2008

Happy Sunday

Usually, halos buong linggo kami lang 2 ni Brix ang magkasama simula ng lumipat si Yosh sa bahay ng nanay ko, ako na lang mag-isa sa apartment at minsan naman ay natutulog ako sa bahay nila Brix. At simula din non, mga 3 beses ko na lang nakakasama ang anak ko at weekends na lang kami palaging naglalaro at nagkakasama.

Nagkaron ng panahon sa buhay namin mag-ina na parang malayo na ang loob ni Yosh sakin at lagi na shang sumasama sa kanyang tita. Sa totoo lang, hindi ako mag-de-deny na hindi ako nasasaktan sa tuwing hahabol sha sa tita nya at hindi sa akin, pero sa isang banda naiisip ko din na wala naman ni isa samin ang may gusto na lumipat ang loob nya sa tiyahin nya at mapalayo kami sa isa't isa. Simula ng unang araw na napansin ko ang pagkakalapit ng loob ni Yosh sa tita nya, at ang madalas na paghabol nito sa kanya, ay!!! -parang kandilang nauupos ang puso ko dahil nakikita ko na nalalayo na ang loob nya sa akin. Shempre, wala akong pwede sisihin kundi ang sarili ko.

Anong ginawa ko?

Masaya kaming mag-ina lumuwas mula Laguna papuntang Festival Mall. Idagdag pa ang presensya ng Babi nya (Beau ko) na sumama samin para magligalig. Talagang tinodo ko nun (21/12/08) ang bonding namin. Nag-arts and crafts kami, yung artwork na nilalagyan ng coloured liquid tapos kapag pinainitan nagiging plastic na may disenyong parang cartoons. Bumili ako ng token worth P100 at naglaro kami ng Air Hockey, nagrides sha, nagbasketball kami, at kung anu-ano pa. Tapos sumakay kami dun sa bumble bee na tumataas baba yung upuan (ay naku, di ko kayang i-describe!). Tuwang-tuwa si Yoshua habang gumagalaw yung bumble bee. Piniktyuran pa nga kami ni Beau habang nakasakay kami dun. Pagkatapos nun sumakay naman sha ng parang small version ng Jungle Log Jam sa Enchanted Kingdom, tawag naman sa Festi - "Elfin Waves". Maliit lang yung ride na yon, sobrang liit. Pero dahil siguro malulula ang isang bata pag nahulog na yung "log" galing sa isang elevated na lugar, natakot si Yosh at nagpumilit umalis sa "log" habang umaandar pa ito. Nataranta nga yung mga attendants kasi kala nila nasaktan si Yosh, mejo naipit yung daliri nya pero hindi naman sobrang naipit kaya hindi naman sha umiyak.

Pagkatapos nun ay kumain kami sa Red Ribbon. Ayun, ako ang inorder ko ay Palabok Petite, P39 lang kasi yun tapos busog ka pa. At hindi naman din sha gaanong petite. Sa isang maliit na taong tulad ko, nakakabusog na din yun. Tapos, mas masarap ang palabok ng Red Ribbon kesa Jollibee. Mas kalunok-lunok sha. Haha. Tapos si Brix naman ay cake at spaghetti ang inorder, saka pineapple juice. Hindi din nakakain ng madami si Brix dahil si Yosh ay inubos yung pagkain ng Babi nya. Haha, si Yosh talaga, laging ubod ng lakas kumain, hindi naman tumataba. Hindi ko din alam kung bakit. Siguro ay dahil talagang malikot sha at mabilis ang metabolism nya. Saka ayaw nya kasi ng palabok na pagkain ko, eh kasi naman... Sa spaghetti ko sha pinaglihi kaya anong reklamo ko? Ü Nagugulat nga si Beau dahil marami na daw alam na salita si Yosh at marami na ding alam. Pati alam na ni Yosh na "mandatory" kelangan nyang sumakay sa "ho-sh" = horse daw, in short, carousel. Pagkatapos namin kumain, ayun! Naalala nya ulet ang horse at di na kami nakatakas. Sumakay kami ng carousel, sapilitan akong napasakay. Ahaha.

Pagkatapos namin kumain, ayun... Nag-ikot-ikot kami tapos kumain kami ng Ice Cream sa Frootmix. That was our second time eating from that place. Nung una, nakita ko bago kami umalis na "fat free" daw yung ice cream. Napaisip na ako kung ano ang ginagamit nilang klase ng sugar pero naglalakad na kami palayo kaya di ko na natanong, saka sabi ko sa sarili ko, masarap naman kaya baka hindi din harmful. Nung bumalik kami at nagkaron ako ng mas malaking time para magbasa-basa, to my disgust and disappointment, nanlaki yung mata ko nung nalaman kong may "aspartame" pala yung ice cream na yon at pinapakain ko pa kay Yosh. Kaya kinuha ko yung ice cream, at pagkatapos kunwari ng ilang subo nung nakalalasong ice cream na yon, tinapon ko na yon sa basurahan. Sabi ko nga kay Beau, hindi na ako babalik sa Frootmix. Mag de-Dairy Queen na lang ako kung sakali, choose the lesser evil ika nga.

Baket? Ang aspartame kasi ay isang klase ng artificial sugar na aksidenteng nadiskure ni James M. Schlatter habang gumagawa sha ng isang anti-ulcer drug nung 1965. Ang kaso ang aspartame, kapag nakain at na-ingest, ang outcome nyon ay aspartic acid, phenylalanine, methanol (isang klase ng alcohol - shempre, alcohol nga kaya yun pa lang masama na sa katawan), at ang mga iyon ay formalin, formic acid, at diketopiperazine. Hindi ko na iisa-isahin ang mga nakalalasong kemikal na nakukuha ng isang taong kumain o umiinom ng mga pagkain o inming may aspartame. Pero kung iisipin nyo na kumakain kayo ng alkohol (methanol) at formalin, malamang alam na ng kahit na sinong tao na masama ito.

So, hindi naman nagtampo si Yosh sa pagkuha ko ng ice cream dahil hindi ko naman inagaw yun sa kanya. Dahan-dahan ko lang kinuha tapos itunuon ko ang atensyon nya sa ibang bagay. Kaya yon... Ok na sha. Alam ni Beau na ang saya-saya ko nung gabi na yon. Not to mention na talagang hindi na mabilis uminit ang ulo ko o di kaya'y hindi agad ako nagagalit o sumisigaw di tulad ng dati. Nagpunta muna kami sa Sai Bachi para bumili ng "takoyaki" - ang paborito kong Japanese pancake at pang-ulam din galing sa SaveMore. Pagkatapos nun umuwi na kami.

Tamang-tama, wala akong pasok kinabukasana kaya umuwi kami sa bahay (sa apartment namin sa Muntinlupa) at doon natulog buong gabi. Napakasaya naming tatlo. Lalo na ako. Kasi nga parang natutuwa akong nagawa ko ang subuking makuha ulit ang loob ng anak ko. Dahil kahit kasi nung bata pa sha, talagang napaka-importante na maging matatag ang samahan at relationship naming mag-ina.

Shempre, sino pa bang magmamahalan kundi kami-kami ding mag-ina? Ü


(Thank you, Beau... For making that Sunday happy for us =*)

Friday, December 5, 2008

Casio - Please Stop Breaking Our Hearts!


SIRA ANG CAMERA KOOOO!!!





Mga walang-hiya kayong manufacturer ng camera! Bakit nyo ginawa samen to?!?!


Oo! Oo! Sila ang may kasalanan! Baket? Dahil nalaman ko na talagang pagkatapos ng 1-2 taon, kahit na anong camera yung bigla na lang nagkakaron ng linya linya yung screen tapos parang laging over-exposed yung kinuha kong picture. Ang camera kong tinutukoy ay Casio Exilim EX-Z700. Marami pa yung problema. Tulad na lang na yung unang ganung camera ng nanay ko, ang problema naman ay ang umuusli nyang zoom, ayun, kapag nagalaw mo sha, hindi na gagana. Hayyy. Para tuloy akong nawalan ng cellphone. Di ko tuloy ma-capture ang mga fleeting moments ng buhay ko.


NO. Hindi. Hindi yun dahil sa nabagsak ko sha. Dahil ingat na ingat ako sa camera ko, hindi ko iyon sisirain dahil mahal ang pagkakabili namin (este ni Beau) pala ng camera na yon! Nung una nga yata ay parang naghihinala pa shang may masama akong ginawa sa camera nya pero nalaman din nya na talagang yun ang sira at problema ng lahat ng Casio cameras na binebenta sa mercado. Iinglishin ko lang para sa mga hindi nakakaintindi ng tagalog ha.


What happened was that three or four weeks ago, Beau and I were at TGIFriday's eating our early dinner together. I couldn't remember what the occassion was but as I was taking some pictures of the food that we're eating, I noticed some very light horizontal streaks that is being included everytime I was taking pics. I have never noticed those streaks before nor I have seen, had, or reckon such before.

And then, on Nov 20, about a week after Beau and I dined at TGIF. When I was trying to use my camera to take pics for the b-day bash my teammates prepared for me, the pics that were taken were all over-exposed, had a bright white light on 80% of the picture and the streaks became more prominent!

Then the weekend right after that incident, I tried borrowing my mom's cam (the same model as I had) thinking that the problem my cam encountered was isolated. But lo and behold, little did I knew that my mom had the same problem a week before I did!

And guess what? To fix the problem, we would have to shell out about P10,000! Excuse me?!?! That amount of money is the same price as the cam itself! No way!!!

To sum it all up, Beau found out that majority, if not all, of Casio exilim cameras are doing the same problem. Either the zoom thing on it that expands and the cam stops working, or just like with my mom's cam and mine, the camera all of a sudden gets gaga and starts taking pictures with those bright white light and super streaks. Gosh. If you know anyone who works for Casio, please let me know him/her so that I could strangle him/her to gimme back my gawddamnmoney!!

Casio, oh, Casio. Stop producing cameras, stop breaking our hearts, and just revert back producing those un-sellable watches.

Hayyy...