Monday, December 29, 2008

Heinaku, magparamdam ka muna. (What Are Friends Are For??? - pun intended)

Yes, yes, yes... I know, I know... Baket mali ang grammar ko? Eh baket ba?! Naiintindihan nyo naman di ba???

Teka, may kwekwento ako senyo. Nung isang linggo, bago magpasko. May isa akong kakilala na matagal ko ng hindi nakikita at iyon... Bigla na lang nagparamdam sa text. Eto ang sabi:

Her: Mamay?

Aba. Iisa lang naman ang taong tumatawag sakin ng "Mamay" at sha iyon. Shempre, bilang ako na mabait at hindi kasungitan, eto ang sinagot ko:

Me: Aba. Nagparamdam ka?ü musta?

Sa pagkakagulat-gulat ko, nalaman-laman ko na lang na...:

Her: Eto malapit ng manganak... Sa 24 na siguro.ü sina Yosh, at ang mga kapatid mo? Kamusta?Ü

Nakng! Ayun na pala at manganganak na sha ni hindi man lang sinabi sakin nung una na buntis na pala sha! Sa tono o estilo ng kanyang pagte-text para bagang may hinahanap sha ng tulong sakin. Pero dahil sa may pride ako at kahit papano ay masakit para sakin na iwan nya ako sa ere. Para bang ni hindi man lang nagsabing mawawala sha o ano, hindi ako nag-alok ng tulong. Nagtanong lang ako kung lalaki o babae yung anak nya, ayun naman lalaki daw pero sa government hospital manganganak. Nagtanong ako tungkol sa Philhealth nya at sa dati nyang employer pero yun... Wala shang sagot. Ang sakin wala din naman akong pinansiyal na iaabot sa kanya (naunahan na sha ng lolo, lola, yung isa ko pang lola, anak, kaibigan, nobyo at mga kapatid ko). Naghihintay ako nun na sabihin nya sakin na kelangan nya ng tulong, pero wala naman shang sinabi so... Wala din akong inalok. Ngayon lang ako di nag-alok ng tulong. Para kasing sa kaibuturan ng puso ko, isa na lang syang estranghero. Sana man lang naisip nyang kaibigan din ako, di lang kung may kelangan sha ngunit pati na din kung may nangyayaring mabuti o di maganda sa kanya.

Kaya nga minsan, naiisip kong mas mabuting magkaron ng kaibigang lalaki. Kasi sila hindi malabong kausap, hindi malabong kasama, at madaling pakisamahan. Yung lalaking-lalaki ha, hindi yung maarte. Ikumpara ko sha dun sa isa kong kaibigang tawagin na lang natin sa pangalang Mik. Kami, kung di man kami nag-usap ng matagal na panahon, nung bumalik ako parang wala lang. Mabuti pa din sha sakin. At ako kung magpaparamdam ako sa mga kaibigan kong hindi dahil sa may kelangan lang ako, at gayon din sila (hindi ko nilalahat ah, meron din akong mga kakilala jan kapag pera ang usapan at kelangan nila hindi nawawala sa listahan nila ang pangalan ko - hahaha). Noon, hindi ako madamot. Pero ngayon, napatunayan ko na mas mabuti minsan na mag-Chinese-kuripot ako, di ba sa sobrang kuripot nila yumayaman sila? Masubukan ngang gawin yun. Haha. Ngayon, balik tayo kay Mik. Si Mik nung bumalik ako ay nagregalo pa samin ni Yosh. Sakin green na Puma na bag, kay Yosh - robot. Robot lang. Shempre, sa edad ni Yosh wala pang mag-mamagandang bumili ng PSP dun noh, pero sa edad ni Yosh na to, ay naku, atat na atat na shang magka-PSP kahit sa gantong edad nya. Tapos yung tuwa na naramdaman ko dahil naalala nya ako? Ay! Hindi mapantayan (mejo lang shempre iba pa din ang pa-The Spa ni Beau ~ haha)! Anyhoo, yun nga... Ewan ko ba, hindi ko alam kung conditional ba ang pagkakaibigan dahil sa hormonal change ng isang babae dahil may estrogen sila (haha joke lang), o dahil talagang iba lang ang pagpapalaki sa mga lalaki, o baka dahil may scrotum lang ang mga lalaki kaya sila ganon (haha ~ isa pang joke to ~ hahaha).

Isa lang ang masasabi ko, mas matagal ko pang naging kalilala at kaibigan si Her, pero di hamak na mas ok ang samahan namin ni Mik.

Hayyy...
Mga tunay na kaibigan nga naman, ang hirap hanapin.
Pagiging isang tunay na kaibigan nga naman, mahirap maging.


Tignan nyo na lang si Beau, 26 years bago ako nahanap. Har har.

;-P


(at shempre Beau, 23 years bago kita natagpuan. Naks! wuv u)

No comments: