Usually, halos buong linggo kami lang 2 ni Brix ang magkasama simula ng lumipat si Yosh sa bahay ng nanay ko, ako na lang mag-isa sa apartment at minsan naman ay natutulog ako sa bahay nila Brix. At simula din non, mga 3 beses ko na lang nakakasama ang anak ko at weekends na lang kami palaging naglalaro at nagkakasama.
Nagkaron ng panahon sa buhay namin mag-ina na parang malayo na ang loob ni Yosh sakin at lagi na shang sumasama sa kanyang tita. Sa totoo lang, hindi ako mag-de-deny na hindi ako nasasaktan sa tuwing hahabol sha sa tita nya at hindi sa akin, pero sa isang banda naiisip ko din na wala naman ni isa samin ang may gusto na lumipat ang loob nya sa tiyahin nya at mapalayo kami sa isa't isa. Simula ng unang araw na napansin ko ang pagkakalapit ng loob ni Yosh sa tita nya, at ang madalas na paghabol nito sa kanya, ay!!! -parang kandilang nauupos ang puso ko dahil nakikita ko na nalalayo na ang loob nya sa akin. Shempre, wala akong pwede sisihin kundi ang sarili ko.
Anong ginawa ko?
Masaya kaming mag-ina lumuwas mula Laguna papuntang Festival Mall. Idagdag pa ang presensya ng Babi nya (Beau ko) na sumama samin para magligalig. Talagang tinodo ko nun (21/12/08) ang bonding namin. Nag-arts and crafts kami, yung artwork na nilalagyan ng coloured liquid tapos kapag pinainitan nagiging plastic na may disenyong parang cartoons. Bumili ako ng token worth P100 at naglaro kami ng Air Hockey, nagrides sha, nagbasketball kami, at kung anu-ano pa. Tapos sumakay kami dun sa bumble bee na tumataas baba yung upuan (ay naku, di ko kayang i-describe!). Tuwang-tuwa si Yoshua habang gumagalaw yung bumble bee. Piniktyuran pa nga kami ni Beau habang nakasakay kami dun. Pagkatapos nun sumakay naman sha ng parang small version ng Jungle Log Jam sa Enchanted Kingdom, tawag naman sa Festi - "Elfin Waves". Maliit lang yung ride na yon, sobrang liit. Pero dahil siguro malulula ang isang bata pag nahulog na yung "log" galing sa isang elevated na lugar, natakot si Yosh at nagpumilit umalis sa "log" habang umaandar pa ito. Nataranta nga yung mga attendants kasi kala nila nasaktan si Yosh, mejo naipit yung daliri nya pero hindi naman sobrang naipit kaya hindi naman sha umiyak.
Pagkatapos nun ay kumain kami sa Red Ribbon. Ayun, ako ang inorder ko ay Palabok Petite, P39 lang kasi yun tapos busog ka pa. At hindi naman din sha gaanong petite. Sa isang maliit na taong tulad ko, nakakabusog na din yun. Tapos, mas masarap ang palabok ng Red Ribbon kesa Jollibee. Mas kalunok-lunok sha. Haha. Tapos si Brix naman ay cake at spaghetti ang inorder, saka pineapple juice. Hindi din nakakain ng madami si Brix dahil si Yosh ay inubos yung pagkain ng Babi nya. Haha, si Yosh talaga, laging ubod ng lakas kumain, hindi naman tumataba. Hindi ko din alam kung bakit. Siguro ay dahil talagang malikot sha at mabilis ang metabolism nya. Saka ayaw nya kasi ng palabok na pagkain ko, eh kasi naman... Sa spaghetti ko sha pinaglihi kaya anong reklamo ko? Ü Nagugulat nga si Beau dahil marami na daw alam na salita si Yosh at marami na ding alam. Pati alam na ni Yosh na "mandatory" kelangan nyang sumakay sa "ho-sh" = horse daw, in short, carousel. Pagkatapos namin kumain, ayun! Naalala nya ulet ang horse at di na kami nakatakas. Sumakay kami ng carousel, sapilitan akong napasakay. Ahaha.
Pagkatapos namin kumain, ayun... Nag-ikot-ikot kami tapos kumain kami ng Ice Cream sa Frootmix. That was our second time eating from that place. Nung una, nakita ko bago kami umalis na "fat free" daw yung ice cream. Napaisip na ako kung ano ang ginagamit nilang klase ng sugar pero naglalakad na kami palayo kaya di ko na natanong, saka sabi ko sa sarili ko, masarap naman kaya baka hindi din harmful. Nung bumalik kami at nagkaron ako ng mas malaking time para magbasa-basa, to my disgust and disappointment, nanlaki yung mata ko nung nalaman kong may "aspartame" pala yung ice cream na yon at pinapakain ko pa kay Yosh. Kaya kinuha ko yung ice cream, at pagkatapos kunwari ng ilang subo nung nakalalasong ice cream na yon, tinapon ko na yon sa basurahan. Sabi ko nga kay Beau, hindi na ako babalik sa Frootmix. Mag de-Dairy Queen na lang ako kung sakali, choose the lesser evil ika nga.
Baket? Ang aspartame kasi ay isang klase ng artificial sugar na aksidenteng nadiskure ni James M. Schlatter habang gumagawa sha ng isang anti-ulcer drug nung 1965. Ang kaso ang aspartame, kapag nakain at na-ingest, ang outcome nyon ay aspartic acid, phenylalanine, methanol (isang klase ng alcohol - shempre, alcohol nga kaya yun pa lang masama na sa katawan), at ang mga iyon ay formalin, formic acid, at diketopiperazine. Hindi ko na iisa-isahin ang mga nakalalasong kemikal na nakukuha ng isang taong kumain o umiinom ng mga pagkain o inming may aspartame. Pero kung iisipin nyo na kumakain kayo ng alkohol (methanol) at formalin, malamang alam na ng kahit na sinong tao na masama ito.
So, hindi naman nagtampo si Yosh sa pagkuha ko ng ice cream dahil hindi ko naman inagaw yun sa kanya. Dahan-dahan ko lang kinuha tapos itunuon ko ang atensyon nya sa ibang bagay. Kaya yon... Ok na sha. Alam ni Beau na ang saya-saya ko nung gabi na yon. Not to mention na talagang hindi na mabilis uminit ang ulo ko o di kaya'y hindi agad ako nagagalit o sumisigaw di tulad ng dati. Nagpunta muna kami sa Sai Bachi para bumili ng "takoyaki" - ang paborito kong Japanese pancake at pang-ulam din galing sa SaveMore. Pagkatapos nun umuwi na kami.
Tamang-tama, wala akong pasok kinabukasana kaya umuwi kami sa bahay (sa apartment namin sa Muntinlupa) at doon natulog buong gabi. Napakasaya naming tatlo. Lalo na ako. Kasi nga parang natutuwa akong nagawa ko ang subuking makuha ulit ang loob ng anak ko. Dahil kahit kasi nung bata pa sha, talagang napaka-importante na maging matatag ang samahan at relationship naming mag-ina.
Shempre, sino pa bang magmamahalan kundi kami-kami ding mag-ina? Ü
(Thank you, Beau... For making that Sunday happy for us =*)
Tuesday, December 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment