Saturday, August 16, 2008

Mukha Ba Akong College?

Alam nyo ba nakailang beses ng sumakay ako ng bus tapos ang laging tanong sakin ng kundoktor eh... "Ma'am san kayo?" (normal question); "San kayo galing?" (normal question)...

Shempre, wala namang kakaiba sa tanong na yan dahil yan naman kadalasan ang palitan ng salita na nangyayari sa loob ng bus.

Pero eto ang malupet na tanong na halos gusto ko ng tumawa kapag tinatanong sa kin:
"Miss, estudyante ka ba?"


Nyorks! Gusto kong sabihin kay manong kunduktor na 2 taong gulang na ang anak ko, 3 taon na akong nagtratrabaho at halos 24 anyos na ang gulang ko... ESTUDYANTE?!?! Magna cum laude ba? (Magna-nine years sa kolehiyo? Excusa moi!)

Parang gusto kong isipin sa sarili ko kung naiisip ba nyang estudyante ako dahil hindi ako marunong mag ayos o estudyante ako dahil bansot ako. Kung alin man dun ang rason kung bakit ako tinatanong na estudyante, parang wala atang magandang sagot.

Sabihin ko kaya pabalik kay kuya... "Kung mukha akong estudyante kuya, sige go!" LOL

Ilang beses na din naitanong ng iba't ibang konduktor kung estudyante ba ako. Sa totoo lang, minsan, napag-iisip isip ko na din kung mula bukas kaya eh umpisahan ko ng sabihin na estudyante ako kapag nagtanong sila. Ha ha ha.

Cher at BBL, baka malugi kayo sa maling akala.

4 comments:

gillboard said...

H.I.R.

Honesty, Integrity and Respect!!!

hehehe

Neri said...

hehehe kahit ako ilang beses na ring natanong kung student ba, pero natutuwa naman ako pag ganun. ibig sabihin looking young pa diba? same age tayo sis! :)

Paper Tilapia said...

@ gillboard: hay naku, 'nong! Araw araw ko ng katukayo ang mga salitang yan!!! Ahahahahaha.

@ ner: korek, sis! :D same age nga tayo. Waaah sa November, I shall be an age older. Woot! Ü

Mommy Liz said...

bakit, ayaw mo bang pagkamalang bata sa edad mo? naku ha..you must be glad, hehehe..baka kapg 40 ka na at itanong kong nasan ang senior ID mo eh, makapanabunot ka ng kausap, hehehe...
you do look young though..be proud!!!