Wednesday, August 6, 2008

Wednesday na pala...

Nakakahiya.

Kaninang bumubili ako ng kanin para sa aking tanghalian, nagtatanong ako sa tindera sa may canteen ng Yuchengco kung kelan ba sila magtitinda ulet ng ginataang kamote. (yes, opo, kamote po... anong masama sa kamote. aherm. kahit kamote lang yun, nagkakahalaga ng trenta pesos ang isang pesteng-yawang baso. ay... kung di lang ako mahilig sa ginataan). Mabalik tayo sa aking sinasabi. Sabi nung ale na nagtitinda nung "Lunes" daw sila nag-ginataan at di pa nila alam kung kelan ba ulet sila magtitinda nun. Ang sabi ko naman... "Ah kahapon lang ba kayo nagtinda, sayang naman..."

Sabi naman nung ale, "Ate, Wednesday na ngayon..."

Taas ang kaliwa kong kilay habang tumitingin ang eyeballs ko paitaas at ako'y nag isip ano ba ang ginawa ko nung Lunes at Martes.

Ay... Oo nga pala. Nung Lunes nasa ospital ako.

Kahapon lang ulet ako bumalik ng trabaho.

Miyerkoles na nga.

Siyet.

Bakhet si-yet?

Parang ang tingin sakin ng mga taong nakapila sa likod ko eh kung san akong lupalop ng Pilipinas galing hindi ko na alam na Miyerkoles na nun eh mag-tatanghalian na. May nanlalaki ang mata (o talaga lang sigurong malaki ang mata nya), may nakakunot ang noo... May... May... May-erkoles na nga.

Wala akong kamuwang-muwang na Miyerkoles na habang ang buo kong isip at katawan ay sadlak sa trabaho.



... Ang nagagawa nga naman ng 'di nakakakain ng ginataang kamote... :|


Sana bukas may kamote na.

2 comments:

gillboard said...

officemate?!!! hmmm... tatandaan ko ang picture mo, at hahanapin kita bukas... hehehe... di ako stalker... di rin ako suplado... medyo malabo lang mata ko, pag una mo ako makita, sigaw mo lang gillboard!!! hahaha...

parang dyahe yung sisigaw ako ng tilapia!!!

sugar said...

wow,tinamo nga naman,
kumakain ako ng kamote ngaun..
kamote-q,hehe!

masarap talaga ang ginataang kamote,ung mdaming lahok..may saging may sago,may langka at ube..hehe!

makapagluto nga nyan sa sabado.hehe!
nagka-idea tuloy ako.

aun..npadpad lng at napa comment.
hehe.