Nung mga naikailang araw na, madalas akong mag-blog hop. At marami sa mga blog na nakita ko, ako mismo ang namamangha sa galing nilang magsulat. Sa tanda kong ito, alam ko na kung anu-anong mga bagay ang marunong o magaling ako. Naisip ko, siguro isa sa mga bagay na kelangan ko pang pag-aralan ay ang magsulat ng mahusay sa Ingles.
Kaya ngayon, nagpasiya muna akong isulat o ilathala ang aking mga kaisipan sa Tagalog.
Una. Para hindi na dumugo ang ilong ko. Dito kasi sa opisina, puro mga Australiano na ang kausap ko sa telepono araw araw araw (oo, kasi pati Sabado kausap ko sila - madalas din kasi akong OT- half day lang naman) shempre mag-eenglish ka kasi kakausapin mo sila. Minsan naman alam kong Pinoy pero nagpapanggap pa ding Aussie (daw) sila (o, sha sha tama na at napaghahalataan ka pa din naman, Pidro, awat na at baka maistorke ka mag-tagalog ka na kasi...). Kaya yun. Siguro mejo nakakabobo din pala yung mag-english ka pero pare-pareho lang ang sinasabi mo. Shempre, rela-related din naman ang mga tanong ng customers samin kaya pare-pareho din ang aming sagot, iba't ibang tao nga lang. (P.S. Hindi ako taga-call center - Marketing Unit daw kami - walang kokontra).
Pangalawa. Gusto kong magsulat sa tagalog kasi marami akong nasasabi. Parang gumagana ang creative juices ng utak ko kapag nagkwekwento ako sa tagalog. (Paumanhin na lang sa ibang nationalidad na ayaw ng basahin ito dahil wala namang sense para sa inyo). Anyhow, para sa nakakaintindi, kapag kasi nagsusulat ako sa tagalog, nawawari kong parang ako mismo naiintindihan ko yung sinusulat ko.
Pangatlo. Ang pagsusulat ko sa aking sariling wika ang magsisilbing tulay ko para ako naman ay makapagsulat ng mga artikulo/post na matino sa ingles. Pano kasi kaya ko naman ginagawa ang blog na to, para sa darating na panahon may maaari akong balikan at pagnilay-nilayan. May maaaring magpa-alala sakin ng mga bagay na kinahiligan ko nun, mga aktibidad na ginawa ko noon... Mga ganun ba.
So... yun lang naman. Ay meron pa pa lang pang-apat.
Pang-apat. Sa palagay ko mas maiintindihan ng mga nagbabasa ng blog ko yung sinulat ko kung magtatagalog ako. (acheche! :P hehehehhe - AMININ!!!)
++++++++++
Nanalo si Pacquiao sa laban nya kay Diaz! WHoohoo! Sa totoo lang, eto lang ang PINAKA-UNANG PANAHON na kinampihan ko si Pacquiao. Dati kasi, lalo na sa laban nila ni Morales, ayokong-ayoko sa kanya. Pano kasi parang ang taas ng ere nya sa ulo. Pero ano ang nagpabago ng pagtingin ko sa kanya? Yung dedication nya sa napili nyang trabaho, yung lakas ng loob nya, at yung passion nya sa pagboboksing. Na para sa kanya, marangal na trabaho yun. At para sa kanya, gagawin nya ang lahat mairaos lang ng matiwasay ang pamilya nya sa kahirapan, yung bang parang gagawin nya ang lahat hindi na lang sila maghirap. Para ngang nai-inspire na ako kay Manny ngayon. Haha. Baka isang araw, magpunta na din ako sa Mandalay Bay upang manuod ng laban nya, katapos ay mag-angat na din ako ng plakard, sasabihin ko na din (tulad ng sabi ng isa nyang fan), "Manny, marry me". LOL
Ano pa ang isang bagay na kinamangha ko sa boksingerong toh? Aba, nag-aaral na pala sha ngayon sa college (I think he's majoring in Management). Kahapon kasi nasa bahay ako ng nanay ko dahil nagsubscribe sha ng pay-per-view. Shempre, dahil star na star si Pacquiao sa kanila ng ma kamag-anak ko, marami na silang nakalap na chismis tungkol sa boksingerong to. Isa na nga dun yung nag-aaral na sha at --- ang mga anak nya ay nag-aaral sa Brent. Yes, oh yes. Sa Brent po mga kaibigan. Meron na nga din silang bahay sa Brentville na nagkakahalaga ng 100M Pesosesoses!!! Anyhow, sabi nga ng nanay ko, ay matalino na din tong si Pacquiao kasi pinag-aaral nya sa prestigiosong eskwelahan ang kanyang anak, para bagang at least alam nya na yung mga anak nya mas magiging matiwasay ang buhay dahil hindi na sila magiging boksingero tulad nya.
At isa pang magarang balita tungkol sa kanya? Dahil sa perang nakamit nya galing sa pagkapanalo nya, tutulungan nya yung mga taong nasalanta ng bagyong Frank. Kaya pala ang lalim ng dasal nya kahapon kasi hindi lang pamilya nya ang paglalaanan nya ng perang mapapalanunan nya kundi yung mga nasalanta din ng bagyo.
May bagong bayani na yata ang Pilipinas...
Siyanawa.
Monday, June 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Minsan inisip ko rin na mag sulat sa ating inang wika subalit naisip ko na kailangan kong mag ensayo pa sa lengwaheng ingles at ang pag susulat ang isa sa mga naisip kong paraan.
Salamat na rin pala sa pagdalaw sa aking walang kwentang blog
Wow. Gusto ko yung post na ito.
Wow. :D may nagbibigay pala ng oras para mabasa ang post na ito.
@ ianuarius = nakakatuwa ang iyong blog, spontaneous ba. sa susunod ulet ay dadalaw ako.
@ steph = salamat sa pag-appreciate ng post na ito. ang post na ito ay isinulat ng puso ko (naks--). anyhow, kauumpisa pa lang ng araw ko at natuwa ako sa sinabi mo. magandang araw sayo. :)
ako rin kapatid. parang na-inspira, ay tama ba hehehe, na rin mag tagalog. sobrang nadala ako sa artikulo mong ito at parang may termino (lol) kang di ko ganu naintindihan - "nilay-nilayan" ba yun? namangha ako sayo kapatid sa iyong magiting na tagalog.
kapatid pareho tayo, unang pagkakataon ko ring kinampihan itong si Pacquaio, na sabi pa nga ng mga tagapagsalita (commentators. lol) sa PPV ay nag-aaral siya na may limang armadong nagbabantay sa labas. haba na nito kapatid. hehe.
sa uulitin. at sana sa susunod mong artikulo ay i-tagalog mo ang "creative juices". hehe. ingat kapatid. :)
wala naman masama magsulat sa tagalog... mas gusto ko nga yon kasi parang mas madali magpatawa...
salamat nga pala sa pagbalik!!!
at oo, may mga nagbabasa ng mga post mo. =)
@ samar bloggirl = neng, ok namang mag-english ka eh, dahil maganda naman ang mga kaisipang naiilalathala mo sa ingles kaya't walang problema. :D
"nilay-nilayan" = reflect (naks, may natutunan ka na naman saken :P)
yung tungkol sa mga armadong lalaki na nagbabantay sa labas ng classroom ni pacquaio, di kaya mga NPA yun? marami din kasi ang mga ganun sa Gen San... hehe.
itagalog ang "creative juices"? kapatid, baka di lang ilong ang dumugo sakin, pati utak na rin. hahaha. hayaan na muna natin na ang di ko pa kayang inglisin ay lagyan na lang ng apostropi.
oo nga noh? ano kaya ang tagalog ng "creative juices"?
uhhh... "malikhaing katas"???
hehehhe.
@ gillboard = parekoy, hindi ko aaminin na sayo ko nakuha ang inspirasyon (naks) o ideyang hindi din pala masamang magsulat sa tagalog.
palibhasa kasi lahat halos ng blog na napupuntahan ko, ingles ang salita. sa lalim ng ka-inglisan nila, sumasakit na ang ulo ko.
oo nga pala, nabanggit ko ba sayo na ang mga blog na kadalasang binabasa ko ay mula sa amerika?
(ayun naman pala eh) ;P
Post a Comment