Tuesday, 15 April 2008

I-boycott ang mga Bus at Jeepney Drivers na humihinto sa pasaherong 'di naman sila pinapara!

Naka-experience na ba kayo ng ganun?

Dapat i-boycott ang mga jeep na himihinto ng hindi naman pinapara. Pampasikip ng daan, sinasayang pa ang oras natin.

Dapat sabihan din ang mga tao, lalong-lalo na yung lalaki, na patayin ang yosi kapag nasa jeep or bus. Lalo na sa umaga. Ano ba, bagong paligo tapos amoy yosi? Shempre, konting pakiusap ng mapahiya naman.

Kaya nyo bang gawin to? Kasi ako ginagawa ko na, matagal na.

Kulang kasi minsan sa assertiveness tayong mga tao. Minsan meron ngang mga tao na titiisin ang usok ng yosi at ang paghinto ng matagal nga jeep para lang hindi makakuha ng atensyon galing sa ibang kasakay nya sa sasakyan. Pero kung tutuusin, nag-iinit na ang ulo nya dahil hindi nya gusto ang nangyayari. Tapos pagdating nya halimbawa sa opisina o kapag nagkita na sila ng bf/gf nya, saka sha maghihinanaing. Unfair, di ba?

So, konting assertiveness mga kachokaran, kaibigan, mambabasa ng blog ko. Minsan, sa simpleng paghingi makukuha natin ang nais natin.

No comments: