Friday, April 11, 2008

Naiwan ko yung isang blog ko kahapon...

Opo mga kaibigan, totoo nga. Hindi ako nakapag-blog kahapon. Well, meron kasi akong ginagawa kahapon na blog, yun yung franchise franchise. Eh parang hindi nakikisama ang daliri ko ambagal mag-type. Anyhoo, naipost ko naman ngayon, kaya ok lang. I'm still keeping my count. Ano ba ang nasa isip ko? Trabaho? Yung kakainin ko mamayang gabi? Yung gagawin ko next week? Yung plano ko next year? Hahahaha. Nakakabaliw kung minsan. Pero napaka-enjoy mabuhay.
Alam mo ba na sa ngayon, parang tulugan lang ang bahay ko dahil ang baby ko nasa mommy ko at ako lang at si Brix ang natutulog (ala daw akong kasama) tapos tinutulugan ko pa sha. Ganun pala kapag nagsasarili, lahat talaga sarili mo. Tubig, ilaw, gamit, pagkain. Shempre pati bahay sayo. At ang kagandahan ngayong nagsasarili na ako? Parang talagang nararamdaman ko na lahat ng ipinapagod ko dito sa opisina worth it talaga. Na nakikita ko bawat pinaghihirapan ko, eh yung kama, yung kabinet, yung sandok, baso, plato, unan, electric fan, kurtina, basahan, sabon, shampoo, etc. Galing di ba? Well, shempre si Brix ang laki laki ng naitulong para mabuo at magmukhang bahay yung apartment namin. Ang kelangan ko na lang gawin ngayon ay maglinis. Abah, halos 1 week ko ng di nama-mop ang bahay namin. Sabihin ko ng hindi naman ako nagpapasok ng sapatos at chinelas pero para sakin nga dapat once a day nagmo mop ako eh. Eh kaya lang pagod na sa trabaho, sa ngayon full time mom at full time worker ako. Grabeh ang demands, pero ok naman at this is something that makes me feel fulfilled and happy. Kaya rin naman ako full time sa mommyness and professional life ko ay umalis yung yaya ng anak ko. Pero meron na naman padating, galing ng Zamboanga, sa Mindanao pala yun. Hehe. Pamamasahihan ko na lang then ibabawas ko sa sweldo nya. Pero shempre, if she's kind to us and all, baka i-waive na namin yung fee nya. Now, for the meantime yung baby ko na si Yosh sa bahay muna ng mommy ko then iuuwi ko na lang ulet when there's a yaya na. Meron na dapat shang yaya actually, kaya lang ang labong kausap. Sabi sakin Sunday last week pa sha darating, then I heard that she had to go somewhere at hindi man lang ako aabisuhan! Shempre di ba kaka-alis naman ng respeto yun, nag-usap na kami ng matino then hindi sha tutupad sa usapan. Anuba naman yun...

Anyhow, nasolusyonan na naman yun. Para sakin ngayon I just have to wait for the new yaya for Yoshua.

Now, if there is one thing na naiisip ko at dapat kong i-commit sa sarili ko, yun yung NEVER EVER na akong male-late sa pagpasok ng opisina. There are a lot in store for me. I think mas makabubuting maging maaga na lang ako na maagang maaga kesa matulog ako ng extra 30 mins pero male-late naman.

Yung pumpings? Well, nag gym ako kagabi so I think exempted yun. Hehe.
Pero mamaya gagawin ko yun.
Abangan bukas.

=D

No comments: